Apr 14

a night to remember (twisted lies)

ENNA’S POV

 

“mama, para sa tabi !”

“ay kabayo!!” muntik na kong mapasubsub sa katabi ko… walang hiyang driver to .. kung makapara wagas .. nawala tuloy ang poise ko chos…

dali-dali akong bumaba ng jeep ..    malayo pa lang ako naririnig ko ng nagtutungayaw ang inahin este nanay ko..

mukhang sinasabon na naman ng walang banlawan ang kapatid ko  ..

“jackylynn,  sinasabi ko sa’yo.. sa susunod na makita kitang nakatambay jan sa kanto malilintikan ka sa akin . Pupudpurin ko yang mga daliri mo sa paa ”  nauulinigan ko pang sabi nya ..

napapailing ako habang palapit sa kanila

“mano po ,nay” sabay abot ko ng kamay nya para magmano

” ano na naman ba yan … dinig hanggang sa kapitbahay ang boses nyo nay ” nakasimangot kong sabi .. sabay tingin  sa kapatid kong si jackylynn .

” e paano itong kapatid mo ..ke bata-bata lumalandi na ..  ”

“Nay nmn eh .. ” naiiyak ng sabi ng kapatid ko..

napakunot-noo ako …  sabay

“eh kanino naman po magmamana yan ?” tanong ko sa nanay ko

“aba’t ..isa ka pa “… sabay hampas sa akin ng nanay ko

 

 

“joke lang nay kayo nmn oh, ano ba kasing nangyari ha ,jack ?”   tanong ko sa kapatid ko… umupo na ko sa tabi nya..

 

” eh kasi ate…  may practice naman talaga kami sa volleyball eh.. nagkaayaan lang kaming sumaglit sa  Tindahan ni aling bebe eh…  malay ko bang nandun si miguel ” simangot na kwento nya.

 

“naku.. magpapalusot ka pa… ke bata-bata mo pa kumekerengkeng ka na ” sabat nmn ng nanay ko ..

 

” nay, naman .. eh crush lang naman ata ni jack yun eh ” sabay ngiti ko…  “hayaan nyo na po”..   malaki na tong kapatid ko normal lang na magka crush yan .. sabay tingin ko sa kapatid ko na biglang namula.

 

” hay. naku Enna .. napaka konsintidora mong kapatid , hindi yan matututo kung lagi mong kakampihan ”

napangiwi tuloy ako pati ata ako masesermunan ..

 

 

“malaki na po si jack.. alam na nya ang tama sa mali , diba jack ” sabay kindat ko sa kapatid ko..

alam ko  konsintidora ako ..  eh masisisi nyo ba ako nag-iisa kong kapatid yan ..

 

“oh sya .. tama na yan, nagugutom na ko nanay .. kain na tayo”  aya ko sa kanila

 

 

“di ka ba muna magbibihis ha? “tanong nya  sabaya talikod .. tingnan nyo kung matino ba namang kausap nanay ko .. hahaha joke

 

 

“mamaya na po .. hindi po ako kumain sa opisina eh . Tinapos ko pa yung report ko”  ..

 

oh hala ..tara ng kumain  …

 

tumuloy na ko sa kwarto ko pagkakain namin…  naglinis ng katawan at nagpalit ng pantulog ..

 

NAgmumuni-muni ako ng biglang pumasok ang kapatid ko …

 

“ate ”

 

“oh.. bakit ? ” tanong ko sa kanya …

 

 

” Thanks ” sumampa sya sa kama ko at yumakap sa akin

 

 

“para saan na naman yung thanks?” bigla akong natawa at yumakap na din ako sa kanya

 

 

“para sa pagtatanggol mo sa akin kay nanay ”

 

” may tiwala naman ako sa’yo jack  , wag ka na lang gumaya kay ate ha ” sabay ngiti ko ng malungkot sa kanya . tumango lang sya ..

 

______________________________________________________________________________

here’s  the  link   http://www.wattpad.com/3724868-a-night-to-remember-twisted-lies-chapter-1

keep supporting  filipino  stories  guys ! thanks

Apr 14

OPERATION : TULI

SYA  ang     FIRST  LOVE  KO ..


BATA  pa lang  ako  CRUSH  ko  na sya.

hindi  ko  nga rin  alam  sa sarili  ko  kung  bakit  sya  pa..

sa dinami – dami  ng babae  sa  sta. monica  .

pero  sya   ang  gusto kong maging

 

FIRST  DATE  KO



FIRST  DANCE  SA JS  PROM



FIRST NA KA – HHWW  ..



FIRST  KISS  



AND  



FIRST  AHEM.. 


YOU KNOW ..  ANO..  KUWAN ..  


AH BASTA   YUN NA YUN .. ALAM NYO NA YUN. !! 




AT  SA AWA  NG  DIYOS  LAHAT  NG NAKASULAT  DYAN SA TAAS  , OO JAN SA TAAS ..   SIGE  TUMINGALA  NGA .. HAHA

 

LAHAT  NG YAN  ..  NI ISA DYAN  WALANG  NATUPAD..

 

 

KASI  NAMAN  PAANO  NGA BA MANGYAYARI  YANG  MGA GUSTO  KO  KUNG

 

MAS  NAUNA SYANG IN-IRE  NG NANAY  NYA KESA  SA  AKIN ??



SAKLAP  DIBA ..??  

 

 

_______________________________________________________________________________

you  can  my story  in wattpad

http://www.wattpad.com/3981013-operation-tuli

 

to jeremejazz ..thanks  sa  opportunity  na makapagplug  ng  story  dito  ..